Mga Labi ni Slain Judge Ricky Begino nasa Funeraria Imperial Naga City; KILLER na Kamag-anak, NADAKIP Na

570

Pinagdadalamhatian ngayon ng pamilya at malalapit n kamag-anak at kaibigan sa Funeraria Imperial, Naga City, ang mga labi ni yumaong MTC Judge Ricky Begino ng bayan ng Presentacion, Camarines Sur.
Magugunitang binaril kamakalawa bandang alas 5 ng hapon si Judge Begino sa tapat lamang ng kanyang residente sa Zone 3, Brgy. Santa Maria, Presentacion, Camarines Sur.
Ayon sa report, naghahanda umano ang Huwes na ihatid sa Naga City ang kanyang may bahay nang may lalaking lumapit sa kanya mula sa likuran at binaril ang biktima na agad tinamaan sa likod na lumusot sa kanyang leeg.
Hindi kaagad nadala sa ospital ang Begino dahil sa sira ang ambulansiya ng munisipyo. Kinakailangan pang humingi ng saklolo ng pamilya sa ambulansiya ng katabing bayan ng Lagonoy na may isang oras ang layo mula sa Presentacion.
Nadala rin sa NICC Naga City ang biktima subalit binawian din ito ng buhay bandang 8 ng gabi.
Kinilala ang bumaril na isang Wilfredo Armea, edad 73 ng nasabi ring bayan.
Ayon pa sa report, ilang mga nakasaksi ang sinubukang pagbabatuhin ang suspect para mahulli subalit nagpaputok ito habang tumatakbo patakas.
Kaninang umaga, may nagpaabot naman ng report na naaresto na ng Presentacion Municipal Police ang suspect na si Wilfredo Armea. Ang suspect ay kamag-anak din lang ng biktima.
May mga usap-usapan hinggil sa motibo ng pamamaril ng suspect sa biktima, subalit wala namang kumpirmasyon mula sa mga kinauukulan at pamilya.
Samantala, pinasyalan ni RadyoMaN Paul Santos ng RMN Naga – DWNX upang humingi ng pahayag sa pamilya, subalit nakapag-desisyon angpamilya na hindi na muna magbigay ng pahayag sa mga sandaling iyon.
Ilang mga kalapit na kaibigan ng huwes, tulad ni Atty. Angel R. Ojastro III, ang nagpahayag ng kanilang kalungkutan at panghihinayang dahil si Judge Ricky Begino ay kilala bilang tapat, mahusay, pero mapagkumbaba at pantay ang trato sa lahat ng mga kasong hinahawakan niya.
Si Judge Ricky Begino ang may hawak ng MTC sa Lagonoy at San Jose, 2 bayan sa Camarines Sur.
Kilalang masigasig at determinado sa kanyang pananaw sa buhay, si Judge Ricky Begino ay isang working student habang nag-aaral sa College of Law ng University of Nueva Caceres. Siya ay kalaunan naging pangulo rin ng Municipal Trial Court Judges Association sa Camarines Sur.
Nagpaabot din ng pagkondena sa nasabing pamamaslang ang pansamantalang punong huwes ng korte suprema na si Antonio Carpio at si Senator Chiz Escudero kasabay ng panawagan sa pulisya na imbestigahan at bigyan ng katarungan ang kamatayan ng butihing MTC Lagonoy-San Jose Judge. tags: Judge Ricky Begino, MTC Lagonoy & San Jose

Facebook Comments