Cuayan City, Isabela – Huli sa akto ang dating tokhang surrenderee sa isinagawang buy bust sa isang sikat na hotel sa Cabaruan, Cauayan City noong lunes gabi, March 5,2018.
Sa pinagsanib na pwersa ng City Police Station, IPPO, PIB DEO at PDEA SIQ, matagumpay na nahuli sa ikinasang buy bust operation si Christopher Reyes Albano, 35 anyos, walang asawa, helper at residenteng Baringin Sur, Cauayan City, Isabela.
Nakuha mula kay Albano ang isang piraso ng transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline na pinaghihinalaang shabu, marked money na isang libong piso, tatlong piraso ng nagamit na aluminum foil, isang rolled aluminum foil,isang nagamit rin na plastic sachet ng shabu, isang unit ng cell phone, isang lighter, SSS ID,pera na nagkakahalaga ng Php 1,157.00,drivers license, UMID ID sa pangalan ni Cresencio Mabnag Albano,isang sling bag na kulay brown, isang susi ng sasakyan at isang unit ng Isuzu Highlander na may plakang WDL-381.
Kaagad na nasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous of Drugs Act si Albano at kasalukuyang nasa himpilan ng PNP Cauyan City.
Samantala ayon kay PRO2 Regional Director PCSupt. Jose Mario Espino, isa si Albano sa mga sumukong drug identified ng Cauayan City taong 2017 ngunit napag-alaman ng kapulisan na bumalik ito sa illegal na gawain sa naturang lugar kung kayat kaagad na isinagawa ang pagkakahuli kayi Albano.
Dahil dito nanawagan ang Regional Director sa lahat ng mga drug surrenderers o drug personalities na makakuha ng benipisyo mula sa gobyerno tulad ng Community Base Rehabilitation Program o CBRP.
Dating Tokhang Surenderer, Naaresto!
Facebook Comments