Dating Tokhang Surrenderee na Magsasaka, Arestado sa Drug Buy Bust!

38

Solano, Nueva Vizcaya – Matagumpay na naaresto ang isang magsasaka at dating tokhang surrenderee kahapon March 15,2018 sa isinagawang buy bust operation ng kapulisan sa Solano, Nueva Vizcaya.

Sa ipinaabot na impormasyon sa RMN Cauayan ni Chief PSupt. Chavalier R. Iringan ng Regional Public Information Office, kinilala ang tulak ng droga na si Mark Gil Amero Evangelista aka Macky, 39 anyos, walang asawa at residente ng Leybag Subdivision, Purok Ilang-Ilang, Barangay Quirino, Solano, Nueva Vizcaya.

Naaktuhan si Evangelista na nagtitinda ng shabu sa nagpanggap na buyer na isang alagad ng batas. Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang dalawang piraso ng plastik sachet na naglalaman ng puting crystalline na pinaghihinalaang shabu at isang limang daang piso na marked money.

Ang pagkakahuli kay Evangelista ay dahil narin sa pinagsanib na pwersa ng Municipal Drug Enforcement Unit (MDEU) ng Solano Police Station sa pangunguna ni PCI Ignacio D. Layugan Jr., COP, PDEU at PDEA RO2.

Nasa Solano Police Station na ang naturang suspek at ang mga nakonpiska sa pag-iingat nito ay dinala na sa PNP Provincial Crime Laboratory Office para sa karagdagang imbestigasyon.

tags: Luzon, RMN Cauayan News, DWKD 985 Cauayan ,PRO2, Chavalier R. Iringan, Ignacio D. Layugan Jr.

Facebook Comments