Manila, Philippines – Kinasuhan na ng Anti-Trapo Movement of the Philippines sa Office of the Ombudsman si dating DOTC Secretary Jun Abaya kasama ang iba pang matataas na opisyal ng Department of Transport and Communication.
Ayon sa kanilang legal counsel na si Atty. Al Vitanggol III, ang kaso ay may kaugnayan sa kontrata ng DOTC sa Dalian Locomotive and Rolling Stock Incorporated para sa pagbili mg bagong bagon ng MRT 3 na hanggang sa ngayon hindi pa rin nagagamit.
Kasong paglabag sa republic act no. 3019 o graft and corrupt practice act ang sinampa kay Abaya.
Bukod sa kanya kasama rin sa pinakasuhan sina dating secretary ng DOTC na si Jose Perpetou Lotilla, dating chairman ng DOTC bids award committee na si Rene Limcaoco at iba pang mataas na opisyal ng ahensya.
DZXL558