Dating transportation Secretary Abaya, gigisahin sa pagdinig ng Senado sa Lunes

Manila, Philippines – Alas nuwebe ng umaga sa Lunes, may15, nakatakda ang pagdinig ng senate committee on public services sa mgakapalpakan o aberya na nararanasan sa Metro Tail Transit o MRT line 3.
  Maliban sa palpak na management at maintenance aybubusiin din ang pagbili ng nakaraang administrasyon ng mga tren na hindi umanomapapakinabangan.
  Ayon kay Committee Chairperson Senator Grace Poe, imbitadosa pagdinig ang mga dati at kasalukuyang opisyal ng Department of Transportationo D-O-t-r at ng MRT 3 corporation.
  Pangunahin sa mga ito si dating transportation SecretaryJoseph Emilio Abaya na hihingan ng paliwanag ng komite kaugnay sa 46 na mgabagong bagon na binili mula sa Chinese Company na Dalian Locomotive nanagkakahalaga ng 3.8 billion pesos.
  Ang nabanggit na mga bagong bagon, hindi maaring magamitdahil hindi umano sakto sa riles ng ating mrt at walang signaling system.
  Maliban diyan ay sa panahon din ng pamumuno ni Abaya sa DOTr,naiselyo ang kontrata sa South Korean Company na Busan Universal RailIncorporated o BURI na palpak din umano ang pagmentina  sa MRT kaya madalas itong may aberya arawaraw.
 

Facebook Comments