Mga susuporta sa impeachment ni Duterte, mistulang pagpapatiwakal ayon sa minorya

322

  Manila, Philippines – Sa napipintong pagdinig ng Kamarasa impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte sa Lunes, nangako muli angminorya sa Kamara na pinamumunuan ni Quezon Rep. Danilo Suarez na hindi silasusuporta dito.
  Naniniwala si Suarez na political suicide ang gagawin ngsinumang susuporta sa impeachment complaint lalo pa’t napakapopular ng Pangulo.
  Ngayon pa lamang ay dapat nang kalimutan ang Duterteimpeachment dahil imposibleng magtagumpay ang reklamo laban sa Presidente namay 80% ang acceptance rating.
  Maliban dito, maayos naman ang panunungkulan ng Pangulobagamat aminado si Suarez na hindi lamang siya bilib sa ilang miyembro nggabinete nito.
  Dagdag naman ni Acts OFW Rep. Aniceto John Bertiz na angpangulo lamang ang nagparamdam sa hanay ng OFW ng tunay na pagpapahalaga kayatutol sila sa impeachment dito.
 

Facebook Comments