Dating United Kingdom Prime Minister Tony Blair, interesadong suportahan ang mga proyektong pang-imprastraktura ng Pilipinas

Courtesy: Presidential Communications Office | Facebook

Interesado si dating United Kingdom Prime Minister Tony Blair sa mga proyektong pang-imprastruktura ng Department of Transportation (DOTr).

Inihayag nito ang kanyang pagka-interes sa naging pulong nito sa Philippine delegation na sidelines ng World Econonic Forum (WEF) na ginaganap sa Davos, Switzerland.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, personal niyang ibinahagi sa dating prime minister ang mga programa ng kanilang departamento kung saan naging positibo aniya ang reaksyon ng dating UK official, partikular ang kagustuhang suportahan ang railway projects ng Pilipinas.


Kaya naman ayon sa kalihim ay napakahalaga ng pagdalo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa WEF dahil nakausap nito ang mga lider ng iba’t ibang industriya mula sa iba’t ibang bansa.

Aniya, bumilib ang mga ito sa performance ng Pilipinas at sa growth rate ng ekonomiya ng bansa na nasa 6.5 to 7%.

Inaasahan ni Secretary Bautista na sa oras na matapos na ang WEF, pagbubutihin pa ng tanggapan ang implementasyon ng mga programa at ng mismong transport sector para sa mga Pilipino at sa mga turistang bibisita sa bansa.

Facebook Comments