Lola, sugatan matapos tamaan ng ligaw na bala

Sugatan ang isang senior citizen matapos tamaan ng ligaw na bala sa Maguindanao.

Nabatid na nagtamo ng mga tama sa katawan mula sa tatlong ligaw na bala ang naturang matanda habang nasa loob ng kanyang bahay makaraang magkapalitan ng putok ang dalawang magkalabang grupo sa Barangay Sapalan sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Batay sa ulat na nakarating sa Kampo Krame, pasado alas-8:00 kagabi, nagkagirian ang grupo ni dating Barangay Chairman Mohaimin Abas ng Barangay Bugawas at grupo ni Barangay Chairman Eden Mantawil ng Barangay Sapalan.


Ito’y habang nasa loob ng bahay ang biktima na si Edna Pablo Orbano, 65 taong gulang at tamaan ng mga ligaw na bala.

Agad namang isinugod si Lola Orbano sa CRMC Hospital sa Cotabato City at ngayo’y under observation.

Sa ngayon ,nagsasagawa pa ng follow up investigation ang PNP at checkpoint operation sa lugar para sa ikadadakip ng mga dawit sa insidente.

Facebook Comments