Dating US foreign officer na nanghalay sa isang Pilipina, sinampahan na ng reklamo – DOJ

Sinampahan na ng mga reklamo ang isang dating United States foreign service officer dahil sa ginawa nitong kahalayan sa 16 anyos na Pinay at pagkakaroon nito ng mga child pornographic materials habang nasa Pilipinas.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, naghain na ng kaso ang Office of the City Prosecutor ng Pasay City laban kay Dean Edward Cheves sa Pasay City Regional Trial Court (RTC).

Paglabag sa child abuse law at child pornography law ang isinampa ng City Prosecutor batay na rin sa reklamo ng ina ng menor de edad.


Samantala, lumalabas din na may mga kaso rin si Cheves na kagaya nito sa Estados Unidos.

Facebook Comments