10 tao patay sa landslide sa India

Aabot sa 10 katao ang nasawi habang 14 ang naitalang sugatan matapos matabunan ng landslide sa Himalayas sa India.

Ayon kay Himachal Pradesh Chief Minister Jairam Thakur, tinatayang 60 na indibidwal ang natabunan ng malalaking bato sa kalsada.

Nabatid ding kabilang sa mga nawawalang biktima ay mga na-trap na pasahero sa loob ng bus habang patuloy ang rescue operations ng mga otoridad.


Madalas ang landslide sa Himalayas partikular na ngayong tinatawag na monsoon season.

Facebook Comments