Naghain na si dating US President Donald Trump ng kanyang kandidatura para sa pagkapangulo sa Amerika sa 2024.
Sa pamamagitan ng kanyang aid, pormal na isinumite ang kandidatura ni Trump sa US Federal Election Commission ngayong araw.
Inanunsyo ng dating US President ang kanyang muling pagtakbo sa pagka-pangulo sa live broadcast ng isang telebisyon sa kaniyang bahay sa Florida kung saan target niyang makuha muli ang suporta ng Republican Party.
Inaasahan naman na muling makakaharap ni Trump si Democratic at US President Joe Biden.
Ito na ang ikatlong pagtatangka ni Trump na tumakbo bilang pangulo ng Amerika matapos na matalo kay Biden noong 2020 National Election at ma-impeach sa White House.
Facebook Comments