Mahigit 400 pang mga Pinoy sa Libya, hindi matunton ng Philippine Embassy

Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Libya na 430 pang mga Pilipino sa Libya ang hindi pa nila matunton.

Sa harap ito ng nalalapit na pagtatapos ng registration para sa mga Pinoy doon bilang paghahanda sa posibleng paglilikas.

Ayon sa embahada, 1,853 pa lamang ang nakapagrehistro at sa November 28 na ang deadline ng pagpapatala.


Kaugnay nito, muling nanawagan ang embahada maging sa mga hindi dokumentadong Pinoy sa Libya na magparehistro na.

Facebook Comments