Dating US VP Biden, nagpahayag na ng pagtakbo para sa 2020 US presidential election

Nagpahayag na rin ng intersyon ng pagtakbo para sa 2020 US presidential elections si dating US Vice President Joe Biden.

Sa kanyang campaign video, itinuturing ni Biden na ang kaniyang pagtakbo ay bilang laban ng kaniyang bansa.

Kasabay nito, inilatag na rin ang iba’t-ibang aktibidad para sa kanyang kampanya at kanyang plataporma.


Ilan dito ay ang official event na kaniyang gagawin sa Pittsburg at susundan sa ilang aktibidad sa Iowa, New Hampshire at South Carolina.

Facebook Comments