Dating Vice President Jejomar Binay, binatikos ang DOE sa nararanasang rotating brown outs

Binatikos ni dating Vice President Jejomar Binay ang Department of Energy (DOE) dahil di umano tumupad sa pangakong gawing brownout-free ang vaccination rollout.

Pinatitiyak ni Binay sa Department of Health (DOH) na handa ito sa brownouts upang di-masira ang mga COVID-19 vaccines.

Nakakadismaya aniya na halos positibo ang projection ng DOE sa suplay ng kuryente sa harap ng peak capacity kapag summer, pero lumilitaw na kulang ito sa paghahanda.


Ani Binay, di lang pahirap ang rotating brownouts sa mga na-lockdown sa mga bahay dahil sa pandemya kundi maapektuhan ang productivity ng mga empleyado na nagwo-work at home.

May epekto rin aniya ito sa mga maliliit na negosyo na nagsisimula pa lang bumangon sa gitna ng pandemya.

Facebook Comments