Dating ‘Wowowin’ host, nasungkit ang korona ng Miss Philippines Earth

370

Nasungkit ni Janelle Tee, dating Wowowin host, ang koronang Miss Philippines Earth sa ginanap na coronation ceremony sa Okada Manila, Parañaque City nitong Miyerkules ng hapon.

Isinagawa ang seremonya sa hapon upang makatipid sa pagkonsumo ng elektrisidad na  isa sa mga pangunahing adbokasiya ng kompetisyon.


Kasama rin sa adbokasiya ang pagprotekta sa kalikasan ayon kay Lorraine Shuck, Evecutive Vice President at pageant organizer ng Carousel Productions sa isang panayam sa Inquirer.

Irerepresenta ni Tee ang bansa sa gaganapin na global na kompetisyon sa darating na Oktubre.

Una nang sumali si Tee sa parehong beauty pageant noong 2014.

Naging host si Tee ng Wowowin, isang afternoon show na pinangungunahan ni Willie Revillame, noong Setyembre 2015 hanggang Mayo 2017.

Nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni Willie dahil sa Sinigang na Baboy ngunit naging maayos na sila nito.

Facebook Comments

From Advertisers