Lalaking ginawang helmet ang kaldero, ‘di umubra sa mga enforcer

1600
Images via Mark Leones Martin and Sadjie Usman Bani

Pumukaw ng atensyon ang isang lalaking naka-angkas sa motorsiklo dahil sa ginamit nitong helmet.

 

Sa bidyong nakuhanan ni Saidie Usman Bani, mapapansin kaldero ang ginamit nitong helmet habang binabagtas ang isang kalye sa Tuguegarao City, Cagayan.

Hindi naman nakalusot sa awtoridad ang dalawang sakay ng motor.


Ayon kay Retired P/Maj. Vicente Blancad, pinuno ng Public Order and Safety Division-Tuguegarao City, hinarang ito ng mga enforcer dahil sa paglabag sa “No Helmet, No Travel Policy.

Lumabas din sa kanilang imbestigasyon na lasing ang rider at angkas nito.

Ang lalaking gumamit ng kaldero ay kinilalang si Rodolfo Chavez Jr., isang security guard sa nasabing lungsod.

Depensa ni Chavez, walang siyang pambili ng helmet kaya kaldero ang ginamit niya sa ulo.



Payo ni Blancad sa lahat ng mga motorista, sumunod sa kanilang patakaran at ordinansa para maiwasan ang disgrasya at aberya.

Facebook Comments