Datu Abdullah Sangki LGU nakatanggap ng bagong Fire and Rescue Vehicle

Lubos ang pagpapasalamat ng LGU Datu Abdullah Sangki Maguindanao sa ipinagkaloob sa kanilang Fire and Rescue Vehicle.

Magiging malaking tulong aniya ito sa mga residente ng DAS sa panahon ng mga pangangailangan lalo na sa panahon ng sunog maging sa mga di inaasahang natural at madmade calamities ayon pa kay DAS Mayor Bai Mariam Sangki Mangudadatu sa panayam ng DXMY.

Nagmumula ang Fire and Rescue Vehicle sa tanggapan ni Senator Sonny Angara.


Kaugnay nito nauna na ring sumailalim sa mga trainings ang Rescue Team ng DAS LGU kabilang na ang Water Search and Rescue Training.

Nauna na ring naikabit sa DAS Municipal Police Station ang isang Siren na naglalayung magbibigay alarma sa mga residente ng bayan sakaling may mangyayaring kalamidad.

Facebook Comments