1st Quarter: Drug operation ng City PNP, 6 patay 68 arestado

*Umaabot sa limamput-walong drug operation ang ginawa ng Cotabato City Police Office sa unang quarter ng taong kasalukuyan kung saan animnaput walo ang kanilang naaresto sa ibat-ibang lugar habang anim naman ang nasawi makaraang manlaban sa mga kapulisan.*
*Sinabi ni Col.Rolly Octavio, na marami ang kanilang nahuli ngayon kumpara sa nakalipas na unang bahagi ng nakalipas na taon.Anya patuloy ang kanilang monitoring sa mga high value target at kumukuha lamang sila ng magandang timing para ikasa ang operasyon.*
*Nagagalak naman si Mayor Atty.Frances Cynthia Guiani Sayadi sa malaking accomplishment ng kapulisan nito sa war on drugs.*

Facebook Comments