Kasabay ng walang humpay na kampanya kontra ipinagbabawal na gamot at mga adbokasiya ng LGU Datu Abdullah Sangki para makapagbagong buhay ang mga naging biktima ng droga sa kanilang bayan, dineklara na ng PDEA ARMM na Drug Cleared Municipality ang bayan ng DAS.
Sinasabing pumasa sa over sigth committee ang 10 baranggay. Pinakahuli naideklara ang mga baranggay ng Old Maganoy, at Madanding.
Kasabay ng deklarasyon bilang Drug Cleared Municipality, pormal na ring binuksan ang Bahay Silangan sa DAS.
Umasa naman si PDEA ARMM Deputy Director Marlon Santos na magtuloy tuloy pa ang mga ginagawang inisyatiba ng DAS at mga reformist para makontra ang ipinagbabawal na gamot.
Lubos naman ang kagalakan ni Mayor Bai Mariam Sangki Mangudadatu sa lahat ng mga nakiisa sa kanilang adbokasiyang tuldukan ang ipinagbabawal na gamot. Pinasalamatan nito ang PNP sa pagmonitor sa sitwasyon ng dating mga nalihis ng landas dahil sa droga.
Hinimok rin nito ang lahat di lamang ang mga taga DAS kundi ang lahat na suportahan ang kampanya ng Presidente Rody Duterte lalo na sa pagsugpo sa ipinagbabawal na gamot.
Ang DAS ay ika limang bayan sa buong Rehiyon ng BARMM na naideklarang Drug Cleared ng PDEA at ikalawang LGU sa buong rehiyon na tumugon sa PDEA na nagpatayo ng Bahay Silangan.
Datu Abdullah Sangki Maguindanao, Drug Cleared Municipality na!
Facebook Comments