Pilipinas, may sariling “bobsled” team para sa 2022 Winter Olympics

Nasa Calgary, Canada na ngayon ang sariling bobsled team ng Pilipinas para magsanay sa kanilang pagsabak sa 2022 Winter Olympics.

Binubuo nito nina Rolando “Sid” Isidro, Jeffrey Dela Cruz, Joseph Acosta at Jerby Deriada na pawang mga miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG).

Sabi ni Isidro, hindi nila inaakala na makakabuo ng sariling bobsled team ang Pilipinas dahil wala namang snow dito.


Aminado ang grupo na mahirap ang pinagdadaaan nilang training dahil sa tinatawag na g-force.

Pero nagpapasalamat naman sila sa ipinapakitang suporta ng mga Pinoy na nasa Canada para sa kanilang laban.

Facebook Comments