Datu Salibo-LGU, patuloy ang panawagan na matulungan sila sa dredging upang maibsan ang baha sa kanilang lugar!

Nananawagan muli si Datu Salibo Mayor Norodin Salasal sa mga kinauukulan na tulungan silang ma-dredge ang daanan ng tubig sa Barangay Butalu papunta sa ilog.
Ayon kay Mayor Salasal sa oras na ma-dredge ang daluyan ng tubig ay tiyak na maiibsan ang nararanasan nilang pagbaha sa kanilang bayan.
Lubog na naman ngayon sa baha ang 17 mga barangay ng Datu Salibo bunsod ng mga pag-ulan.
Sinabi pa ng alkalde na wala pa silang natatanggap na ayuda para sa mga apektadong pamilya ngunit naiparating na rin nila ito sa mga kinauukulan.
Sinasabing abot sa 3, 032 na pamilya ang apektado ngayon ng baha.
Ang Datu Salibo ay kabilang sa mahigit 10 mga bayan sa Maguindanao na walang Internal Revenue Allotment (IRA).

Facebook Comments