DENR-ARMM, handa na para sa bagong Bangsamoro entity!

Handa na ang DENR-ARMM para sa bagong Bangsamoro entity.
Sa ginanap na ‘ARMM-DENR 2018 Midyear Conference Assessment of Task Force 636 Convergence Barangay Targets’, sinabi ni Regional Sec. Hadji Kahal Q. Kedtag na ang lahat sa DENR-ARMM ay handa na para sa paparating na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sinabi ni Sec. Kedtag na tinitiyak ng ahensya na ang lahat ay nakahanda na.
Ang DENR-ARMM ay nagsagawa ng regular na pulong upang matiyak ang kahandaan ng ahensya.
Ang mga usapin kaugnay ng kanilang mandato at ang operasyon ng kanilang sectoral at provincial offices ay pinaplantsa na lamang ngayon ng DENR-ARMM.

Facebook Comments