Davao archbishop Romulo Valles – itinalagang bagong CBCP President

Manila, Philippines – Nagtalaga na ng bagong lider ng mga obispo ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Sa ginanap na CBCP Bi-Annual Plenary Assembly sa Pope Pius Center sa Maynila, napili bilang sunod na Pangulo ng CBCP si Archbishop Romulo Valles ng Davao City kapalit ni outgoing CBCP President Archbishop Socrates Villegas.

Habang Vice President naman si Caloocan Bishop Pablo David.


Sa Enero ng susunod na taon pa magsisimula ang kanilang termino na tatagal ng dalawang taon.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments