Davao businessman at iba pang tax evaders, inireklamo ng BIR sa DOJ

Panibagong mga reklamo ng tax evasion laban sa ilang delinquent taxpayers ang isinampa ng BIR sa DOJ.

 

Kabilang sa mga ipinagharap ng paglabag sa ilang probisyonng Tax code of the Philipines ang kumpanyang DTI OVERLAND TRANSPORT CORPORATION na nakabase sa Davao City at nasa trucking business.

 

Ayon sa BIR, nabigo ang DTI OVERLAND na magbayad sa gobyerno ng P62-million para sa taxable year 2009.


 

Inireklamo rin ng BIR ang mga opisyal nitong sina Jose Miguel Soriano na Presidente ng kumpanya at angkanilang General Accountant na si Cecilio Canico.

 

Aabot naman sa P96-Million ang hinahabol na buwis ng BIR sa mga kumpanyan  TRANSTECH SHUTTLE SErvice INC., Shuttle Club Philippines Corporation,  Maten Technologies at ang negosyanteng si Swee Kim Tan Go na may-ari ng Liana’s Trading.

 

Sa records ng BIR, bigo ang nasabing kumpanya na magbayad ng buwis para sa mga taong 2007, 2008, 2010 at 2012.

Facebook Comments