Dating konsehal arestado dahil sa kasong arson sa Basilan

Nadakip na ng mga awtoridad ang suspek sa panunog ng isang bahay sa Basilan matapos ang mahabang taong pagtatago.

 

Ayon kay Police Regional Office ng ARMM, naaresto si Sara Haris, dating konsehal ng Tabuan-Lasa, Basilan sa tinutuluyan nito sa Sitio Tampalan kahapon ng alas-3:20 ng hapon kahapon.

 

Inaresto si Haris sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Danilo Bucoy, ng Regional Trial Court ng Isabela City.


 

Napaglamang 20 taon na ang nakakalipas  sinunog ng suspek ang bahay ng kaaway  at pagkatapos nito ay nagtago na.

 

Nasa  kustodiya ng Basilan Provincial Police Office ang inarestong suspek.

Facebook Comments