Davao City, hindi bagong episentro ng COVID-19 – DOH

Itinanggi ng Department of Health (DOH) na bagong episentro ng COVID-19 sa bansa ang Davao City.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi nila ginagamit ang salitang “epicenter” para ilarawan ang pagtaas ng kaso sa isang lugar.

Aniya, ang epidemic epicenter ay tumutukoy sa lugar bilang hotspot ng impeksyon pero maaari rin itong bigyang-kahulugan ng ilan bilang isang lugar na pinagmulan ng sakit.


Una nang bumuwelta ang Malacañang at sinabing hindi patas na ikumpara ang Davao City sa sitwasyon sa lungsod ng Quezon.

Kasunod ito ng ulat ng OCTA Research Group na nahigitan na ng Davao City ang Quezon City pagdating sa dami ng naitatalang bagong kaso ng COVID-19.

Facebook Comments