Davao City, Philippines – Bukas pa rin si Davao City Mayor Inday Sarah Duterte-Carpio sa panukalang localized peace talk sa pagitan ng New People’s Army (NPA) at ng lokal na pamahalaan, ngunit kung palagi pa ring gumagawa ang mga ito ng offensive operations laban sa sibilyan o sa Armed Forces of the Philippines ay hindi niya ito papayagan.
Kahit umano labag sa kanyang kalooban na magkaroon ng localized peace talk sa NPA ay wala siyang magagawa at kanya itong gagawin kung makakatulong at ikabubuti ng lahat.
Una nito, una nang inalok ng Mayor, ang NPA na magkaroon ng peace talk ngunit hindi ito tinanggap, subalit sunod-sunod na mga pagpang-atake ang kanilang ginawa sa syudad ng Davao.
DZXL558, Bernard Pantalleon
Facebook Comments