Davao City Mayor Inday Sara Duterte Carpio, humingi nang patawad sa mga biktima nga Roxas night market bombing sa ginawang unang taon na anibersaryo

Davao City – Humingi ng patawad si Davao City Mayor Inday Sara Duterte Carpio sa mga pamilya at biktima ng Roxas night market bombing Davao sa nakaraang taon.

Sa ginawang komemorasyon sa Roxas Avenue sa lungsod ng Davao kung saan nangyari ang insidente matapos ang isang taon, sinabi nito hindi agad siya nakadalo noon sa unang pag-alay ng dasal sa mga biktima dahil nahihiya siya kasi nangyari ito sa kaniyang termino.

Dahil dito, nagpapatuloy pa rin hanggang ngayon ang pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga naulila at para sa kanilang kabuhayan.


Pinasalamatan rin ng alkalde ang lahat na tumulong sa iba’t ibang sektor.

Umaasa rin si Mayor Inday Sara Duterte Carpio na hindi na ito maulit dahil sa pinaigting na kampaniya laban sa teroristo sa lungsod ng Davao.

Sa pangunguna ng task force Davao, Davao City Police Office at iba pang ahensya ng gobyerno.

Facebook Comments