Matapos lumabas bilang Top Choice for 2022 Presidential Candidate sa Pulse Asia Survey, nanguna naman si Mayor Sara bilang Top Performing Mayor sa Pilipinas sa isa ring independent survey.
Nakakuha si Mayor Sara ng 93 percent na “job approval rating,” sa survey na isinagawa ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RP-MD).
Batay ito sa datos na kinalap sa sa iba’t ibang mga rehiyon noong June 2021 kung saan mayroong 5,000 respondents.
Nanguna si Mayor Sara Duterte sa listahan ng “Job Approval Rating of City Mayor/Per Regional Center”.
Sa ginawang survey, ito ang naging tanong sa mga respondent “Do you approve or disapprove of the way [mayor’s name] is handling his/her job as City Mayor?”
Pumangalawa sa survey si Mayor Justin Marc Chipeco ng Calamba City (82 percent), ikatlo si Mayor Arnan Panaligan ng Calapan City (77 percent), ikaapat si Mayor Oscar Moreno ng Cagayan de Oro City (74 percent), at ikalima si Mayor Benjamin Magalong ng Baguio City (71 percent).
Si Cebu Governor Gwendolyn Garcia ay nakakuha naman ng 77 percent approval dahilan para siya ang maging top governor sa bansa batay sa kaparehong survey.
Sa National Capital Region (NCR), si Quezon City Mayor Joy Belmonte ang nakakuha ng highest approval rating sa lahat ng Metro Manila Mayors na binigyan ng 87 percent.
Ayon kay Dr. Paul Martinez ng RP-MD, layunin ng naturang survey na matukoy ang performance ng mga local chief executives sa paghahatid ng public service.
“In every region, the City Mayor of each capital in the area has been assessed by the constituents when it comes to their overall job performances or achievements. As for the Governors, we chose the regional center of the provinces to gather significant data for analysis,” ayon kay Martinez.
Ani Martinez, nahigitan ni Mayor Sara Duterte-Carpio ang ratings ng kaniyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte (86 percent) noong January 2010 noong siya ay alkalde pa ng Davao City.
Ani Martinez, sa kanilang survey, hiniling sa mga respondent na ilarawan si Mayor sara bilang isang alkalde.
Kabilang aniya sa mga binanggit ng respondents ang mga salitang “strong-willed, trustworthy, young at experienced official.”
Kamakailan, naglabas ng pahayag ang City Information Office kung saan binanggit na ang collective effort ng lahat ng Dabawenyos ang dahilan para maging competetive at livable city ang Davao City.
Hinikayat naman ni Mayor Sara ang lahat ng Dabawenyos na patuloy na tumgon sa tagline ng lungsod na “Life is Here.”
“The honor I share with all of you who work hard to serve the Dabawenyos. We all genuinely love our city and this is our core strength. So we must continue to make it livable,” ayon kay Mayor Sara.