Davao City Mayor Rodrigo Duterte At Sen. Bongbong Marcos, Pormal Ng Inendorso Ng Iglesia Ni Cristo

11

MANILA – Pormal ng inindorso ng Iglesia Ni Cristo (I-N-C) ang kandidatura ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Senador Bongbong Marcos sa pagkapangulo at pagkabise-presidente sa Lunes.Ayon sa broadsheet na Philippine Daily Inquirer, inanunsyo ang pag-eendorso ng Iglesia kina Duterte at Marcos sa pamamagitan ng circular na binasa sa pagsamba na pinangunahan ni Executive Minister Ka Eduardo Manalo.Dito, hinikayat ni manalo ang mga miyembro na bomoto bilang isa na alinsunod sa turo ng bibliya na dapat magkaisa ang lahat na mga kapatid sa Iglesia.Padadalhan ng I-N-C ang mga miyembro nito ng sample ballot na naglalaman ng mga kandidato sa national at local elections na kanilang iboboto sa May 9.

Facebook Comments