Pangulong Noynoy Aquino, Binantaang Pupugutan Ng Ulo Ng Bandidong Abu Sayaff

5

MANILA – Nagbanta ang mga bandidong Abu Sayyaf na pupugutan ng ulo si Pangulong Noynoy Aquino.Ang 52 segundong video ay ipinost ng grupo sa website nawww.zerocensorship.com.Sa video, nagbabala ang Abu Sayyaf na kung magkakaroon sila ng pagkakataong mapasakamay nila si pnoy ay pupugutan rin ito ng ulo tulad ng ginawa nila sa Canadian national na si John Ridsdel.Bukod dito, nagbanta rin ang mga bandido na isusunod na pupugutan ng ulo ang tatlo pa nitong bihag na dinukot sa Samal Island noong 2015.Samantala, Sinabi ni Presidential Communication Secretary Sonny Coloma na nakarating na ang banta ng ASG kay Pangulong Aquino.Anya hindi nila binabalewala ang naturang banta pero sa ngayon, prayoridad ng malakanyang na mailigtas ang mga bihag at matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Facebook Comments