Davao City Mayor Rodrigo Duterte, Nagpasalamat Sa Pagkakataong Makipagpulong Sa Lider Ng Iglesia Ni Cristo

14

MANILA – Nagpasalamat si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa mainit na pagtanggap ng Iglesia ni Cristo executive minister na si Ka Eduardo V. Manalo.Aniya, malaking bagay ang mabigyan ng pagkakataon na makausap si Ka Eduardo at mailahad ang plataporma at pangarap para sa bansa kung saan ang milyun-milyong kaanib ng Iglesia ni Cristo (INC) ay aktibong kabahagi.Sa kanilang pulong, ipinaliwanag ni Duterte ang kanyang mga programa para sugpuin ang krimen, iligal na droga at korapsyon.Samantala, sakaling mahalal sa darating na eleksyon, tiniyak niya na makakaasa ang mga miyembro ng INC na ipaglalaban niya ang kanilang karapatan at kapakanan bilang mamamayan at mananampalataya.

Facebook Comments