MANILA – Nanguna pa rin si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa partial/unofficial result ng transparency server ng Commission on Elections (Comelec) sa presidential race.Sa pinakahuling unofficial result ng eleksyon, as of 6:30 am, umaabot na sa15,014,824ang nakuhang boto ni duterte pangalawa naman si Mar Roxas na may9,005,569.Nasa pangatlong puwesto naman ang nag-concede na si Senador Grace Poe na may8,413,679sumunod si Vice President Jejomar Binay na may4,988,544na boto.Panlima si Senador Miriam Defensor-Santiago na nakakuha ng1,357,494na boto.Samantala… kung malaki ang agwat sa pagitan ng tumatakbo sa pagka-pangulo ng bansa, gitgitan naman ang labanan sa vice presidential race.As of 6:30 am, batay sa partial/unofficial result nasa unang puwesto na si Rep. Leni Robredo na may13,108,176na boto.Habang bumaba sa ikalawang puwesto si Senador Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. na nakakuha ng13,032,667na boto.Nasa ikatlong puwesto Senador Alan Peter Cayetano na may5,374,180na boto,pang-apat si Senador Chiz Escudero na may4,517,041na boto.Sinundan ni Senador Antonio Trillanes IV na may783,553votes at pang-anim na pwesto si Senador Gringo Honasan na nakakuha sa kasalukuyan ng699,075na boto.Ang nasabing resulta ay katumbas ng 89 porsyento ng kabuuang bilang ng mga nakiisa sa May 9 election, kahapon.
Davao City Mayor Rodrigo Duterte, Nangunguna Sa Partial Unofficial Result Ng Comelec Sa Presidential Race… Habang Libe
Facebook Comments