Davao City Mayor Sara Duterte, ayaw makatambal sa 2022 presidential election ang amang si Pangulong Rodrigo Duterte

Ayaw ni Davao City Mayor Sara Duterte na makatambal sa 2022 presidential election ang kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay sa kabila ng pangunguna ng tambalang Duterte-Duterte sa presidential at vice presidential race survey ng Pulse Asia Survey.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Hugpong ng Pagbabago (HNP) Secretary General Anthony del Rosario na tumanggi ang presidential daughter na sabihin kung ano ang dahilan kung bakit ayaw niyang maka-tandem ang kanyang ama.


Ayon kay del Rosario, bagama’t wala pang pinal na desisyon si Mayor Sara, pero kung tatakbo ito bilang pangulo ng bansa ay siguradong maghahanap siya ng kanyang vice president.

Sinabi ni del Rosario na sakaling magdesisyon na si Inday Sara ay maglalabas na rin ang Hugpong ng Pagbabago ng kanilang vice presidential at senatorial candidates.

Facebook Comments