Lacson-Sotto tandem sa 2022 presidential election, tuloy na!

Tuloy na tuloy na sa 2022 presidential election ang tambalang Panfilo “Ping” Lacson at Vicente “Tito” Sotto III.

Ito mismo ang kinumpirma sa interview ng RMN Manila ni Sen. Lacson kung saan tatakbo ito sa presidential post habang vice president post naman ang kay Senate President Sotto.

Ayon kay Lacson, nag-uusap na sila ni Sotto para isapinal ang pagtakbo sa national elections.


Sinabi ng senador na kahit mababa ang nakukuha nilang rating sa mga presidential bet survey ay hindi sila nagpapaapekto rito dahil magandang pagkakataon aniya ito para malaman at mapag-aralan ang kanilang gagawing istratehiya.

Aniya, isang seryosong usapin ang pagtakbo sa national position kaya dapat kalimutan na ng mga kandidato ang politics of entertainment.

Facebook Comments