Iginiit ng isang alyado ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na hindi magandang ideya ang ‘term sharing’ sa pagka-presidente.
Kasunod ito ng pahayag ni Lakas-CMD co-chairman at Quezon Governor Danilo Suarez posibleng magkaroon ng term sharing agreement si Mayor Sara at dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Giit ni Suarez, mangyayari lamang ito kung isa sa kanila ang magsusuko sa posisyon ng pagkapangulo.
Pero ayon kay Hugpong ng Pagbabago Secretary-General Anthony del Rosario, alam niyang hindi papayag ang alkalde sa ‘term sharing’ kung sakaling tumakbo at manalo ito bilang presidente sa 2022 elections.
Aniya, maikli lamang ang anim na taon para resolbahin ang lahat ng problema ng bansa, lalo na ang tatlong taong panunungkulan.
Facebook Comments