Davao City Mayor Sara Duterte, nagpahayag tungkol sa pag-withdraw ni Senator Bong Go sa kanyang kandidatura bilang presidente

513

Umapela si Davao City Mayor Sara Duterte sa lahat ng mga taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaisa na tungo sa magagandang nasimulan ng pangulo.

Ang panawagan ay ginawa ni Inday Sara matapos na mag-withdraw sa kanyang kandidatura si Senator Christopher “Bong” Go bilang pangulo ng bansa.

Ayon kay Mayor Christina Garcia Frasco Spokesperson ng BBM-Sata UniTeam nagpapasalamat umano si Mayor Sara at dininig ang kanyang kahilingan na susuportahan ang administrasyong Duterte na magkaisa sa kanilang layunin na ipagpatuloy at palawakin pa ang mga magagandang nasimulan ng kanyang ama.


Paliwanag pa ni Inday Sara ngayon umano na nagdeklara na sa kanyang withdrawal si Go mula sa presidential race kinakailangan na umanong magkaisa ang mga supporter at lider dahil tuloy-tuloy na sila sa kanilaing pagkakaisa kasama ang BBM-SARA UniTeam upang sila ay magtagumpay sa kanilang hangarin para sa bansa.

Facebook Comments