Nakiusap si Davao City Mayor Sara Duterte na alisin na ang kanyang pangalan sa mga poll o survey na may kaugnayan sa 2022 national election.
Ito ay matapos manguna ang alkalde sa listahan ng mga posibleng presidential candidate sa pinakahuling survey na isinagawa ng Pulse Asia Survey.
Giit ni Sara, malayo pa sa isip ng mga Pilipino ang darating na halalan dahil sa krisis na nararanasan bunsod ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.
Mas mabuting pagtuunan aniya ng pansin ang mga tunay na problemang kinakaharap ng mga Pilipino.
Samantala, inihayag ng kampo ni Vice President Leni Robredo na masyado pang maaga para mag-focus sa pre-election polls.
Aniya, hindi pa ito ang tamang oras para sa pamumulitika at pakikipag-gitgitan para sa eleksiyon.
Facebook Comments