Davao City Mayor Sara Duterte, nangunguna pa rin sa mga kandidato sa pagkabise presidente sa latest RMN-APCORE survey

Napanatili ni Davao City Mayor Sara Duterte ang pangunguna sa vice presidential race sa ikaapat na pre-election survey ng Radio Mindanao Network at Asia Pacific Consortium of Researchers and Educators (RMN-APCORE).

Nakakuha si Duterte ng majority score na 57.3% na sinundan ni Senate President Tito Sotto III na may 17.4%, Senator Kiko Pangilinan na may 12.8% at Doc Willie Ong na may 4.8%.

Kagaya ng kaniyang running mate, tumaas din si Duterte ng apat na porsyento kumpara sa survey na isinagawa noong Marso 2 hanggang 5.


Bumaba naman ng dalawang porsyento si Sotto habang walang naging paggalaw sa score nina Pangilinan at Ong.

Isinagawa ang survey sa 2,400 respondents na may edad 18 pataas at may +/- na 2% margin of error at 95 percent confidence level.

Facebook Comments