BBM, nananatiling frontrunner sa presidential race batay sa pinakahuling survey ng RMN-APCORE

3727

Patuloy na nangunguna si dating senador Bongbong Marcos Jr. sa presidential race sa ikaapat na pre-election survey ng Radio Mindanao Network at Asia Pacific Consortium of Researchers and Educators (RMN-APCORE).

Sa isinagawang survey noong Abril 1 hanggang 4, nakakuha si Marcos ng 59% mula sa balance Luzon, National Capital Region (NCR), Visayas, at Mindanao.

sinundan ito ni Vice President Leni Robredo na may 20.7%, Manila Mayor Isko Moreno na may 8.3%, Senator Manny Pacquiao na may 4.2% at senator ping lacson na may 1.8%.


5.5% naman ng respondents ang nagsabing undecided pa rin sila kung sino ang pipiliing pangulo habang wala pang isang porsyento ang nakuha ng nalalabing mga kandidato.

Samantala, tumaas pa ng 4% ang nakuha ni Marcos sa pinakahuling survey kumpara sa 55% noong Marso.

Mahigit 2% naman ang itinaas ni Robredo habang bumaba sina Pacquiao, Moreno at Lacson.



Isinagawa ang survey sa 2,400 respondents na may edad 18 pataas at may +/- na 2% margin of error at 95% confidence level.

Facebook Comments