Nangunguna pa rin si Davao City Mayor Inday Sara Duterte sa vice presidential race ng 2022 National Elections Survey ng Radio Mindanao Network at Asia Pacific Consortium of Researchers and Educators (RMN-APCORE).
Mayroong 45.3% si Duterte pero mas mababa ito ng 2.7% kumpara sa kaniyang nakuhang 48% noong Nobyembre 2021.
Pumangalawa naman si Senate President Tito Sotto III na nakakuha ng 26% at sinundan nina Senator Kiko Pangilinan na may 9.9%, Dr. Willie Ong na may 7% at congressman Lito Atienza na may 1.9%.
Tanging si Walden Bello lamang ang wala pa sa isang porsyento ang nakuha sa survey.
Noong Enero 26 hanggang Enero 30 isinagawa ang survey sa 2,400 respondents na edad 18 pataas at may +/- 2 margin of error.
Facebook Comments