5 milyong indibidwal, target mabakunahan sa part 3 ng National Vaccination Drive

57

Kumpara sa mga naunang National Vaccination Days, 2 araw lamang ang part 3 ng ‘Bayanihan, Bakunahan’.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni National Vaccination Operations Center (NVOC) Dr. Kezia Rosario na idaraos ito sa buong bansa sa February 10 at 11.

Ani Dr. Kezia, 5 milyong indibidwal ang target nilang mabakunahan sa mga nabanggit na petsa kung saan prayoridad ang mga senior citizen at may comorbidities.


Maliban sa primary doses, may alok din ang pamahalaan ng 28 milyong doses na gagamitin sa booster shot.

Sa ngayon, tuloy-tuloy ang ginagawang preparasyon hinggil dito ng national government.

Facebook Comments