Davao City, nahigitan na ang Quezon City pagdating sa highest daily average ng COVID-19 cases

43

Nalagpasan na ng Davao City ang Quezon City sa pagkakaroon ng highest daily average number ng COVID-19 cases.

Ito ay makaraang makapagtala ang Davao ng 213 seven-day average cases na mas mataas sa 207 na naitala sa lungsod ng Quezon.


Ayon kay OCTA Research Team Fellow Dr. Guido David, hindi niya masabi kung ano ang sanhi ng pagsipa ng kaso sa Mindanao pero may ilang biyahero na tinamaan ng COVID-19 ang posible aniyang nakalusot sa border controls.

Samantala, nakikipag-ugnayan na ang lokal na pamahalaan ng Davao City sa grupo ng mga doktor para matutukan ang COVID-19 patients na hindi nadadala sa mga pasilidad.

Facebook Comments