Nangunguna ngayon ang Davao City sa mga lungsod sa bansa na may mataas na naitalang bilang ng kaso ng COVID-19 ngayong araw.
Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH), nasa 99 ang bilang ng nadagdag na kaso ng COVID-19 sa Davao City na sinundan ng Quezon City na nasa 98.
Pangatlo naman ang Cavite na may 74, Baguio City na may 73 at Leyte na nasa 63.
Bukod dito, nakapagtala rin ang DOH ng 1,949 na karagdagang kaso ng COVID-19 kaya’t nasa
27,765 na ang kabuuang bilang ng aktibong kaso.
Mayroon namang naitalang 7,729 na gumaling kaya’t umaabot na sa 475,612 ang bilang ng nakakarekober sa COVID-19.
Nadagdagan rin ng 53 na pumanaw at dahil dito, pumalo na sa 10,242 ang bilang ng namamatay sa virus.
Samantala, mayroon naman 5 laboratoryo ang hindi pa nakapagpasa ng kanilang datos sa COVID-19 Data Repository System (CDRS).