Davao City, pitong linggo ng may pinakamataas na COVID-19 cases

Pitong linggo nang nangunguna ang Davao City sa may pinakamataas na COVID-19 cases sa bansa simula noong buwan ng Hunyo.

Batay sa OCTA Reseach Group, nakapagtala ang Davao City ng 219 na bagong kaso kada araw mula July 13 hanggang July 19.

ito ay mas mataas kumpara sa ibang “high-risk” cities gaya ng Cebu, Bacolod, Iloilo, Makati, Cagayan de Oro, Baguio, General Santos, Laoag, Lapu-Lapu, at Butuan.


Ang COVID-19 related deaths naman sa Davao sa nasabing panahon ay nasa 2.72% na mas mataas kumpara sa Quezon City na nasa 1.47%.

Ang Intensive Care Unit (ICU) utilization rate ng lungsod ay 96% habang 97% sa Iloilo City.

Paliwanag ni OCTA Research Fellow Prof. Ranjit Rye, ang mataas na COVID cases sa Davao ay indikasyon na hindi gumagana ang istratehiyang ipinatutupad kaya dapat itong baguhin at maglatag ng bagong polisiya.

Aniya, makakabuting ipasailalim ang Davao City na epicenter ng COVID-19 sa Mindanao sa General Community Quarantine (GCQ) na mas “upscale” ang restrictions para mapabilis na mapababa ang kaso.

Facebook Comments