Davao City Police at militar, puspusan ang imbestigasyon sa tunay na pakay ng mag-amang Cayamora at Norhana Maute sa Davao City

Manila, Philippines – Puspusan na ang imbestigasyon ng Davao City Police at militar sa tunay na pakay ng mag-amang Cayamora at Norhana Maute sa Davao City.

Ayon kay eastern Mindanao Command Deputy Commander, Brig. General Gilbert Gapay, inaalam na nila kung may supporters ang maute group sa Davao City at kung saan nagkakanlong ang mga ito.

Mahirap anyang paniwalaan ang pahayag ng mag-amang Maute na magpapacheck-up lamang sila sa Davao City dahil nakuhanan ng IED o improvised explosive device ang sinasakyan nilang van.
DZXL558


Facebook Comments