Inarestong ama ng Maute Brothers, dumating na sa Metro Manila

Manila, Philippines – Kinumpirma ni AFP Public Affairs Office Chief Marine Col. Egdard Arevalo na nasa Metro Manila ang ama ng Maute brothers na si Cayamora, Maute.

Aniya kagabi ito dumating sa sa Metro Manila mula sa Sirawan Toril, Davao City kung saan siya naaresto sa checkpoint operation ng militar at pulisya.

Paliwanag ni Arevalo, inilipat siya ng detention facility for security purposes.


Matatandaang maliban kay Cayamora Maute, naaresto rin kamakalawa sina Aljon Salazar Ismael, drayber; ang magasawang sina Benzarali Tingao; at Norjannah Balawag maute; at Kongan Alfonso Balawag, ang ikatlong asawa ni Cayamora.
DZXL558

Facebook Comments