Davao Del Norte Rep. Antonio Floirendo na top contributor ni Pangulong Duterte noong eleksyon, sinampahan ng kasong katiwalian sa Ombudsman; kongresista, nasaktan

Manila, Philippines – Inamin ni Davao Del Norte Rep. Antonio Floirendo na nasaktan siya sa inihaing reklamong katiwalian ni House Speaker Pantaleon Alvarez laban sa kanya sa Ombudsman.

 

Sa isang pahayag, iginiit ni Floirendo na wala siyang paglabag sa batas at malinis ang kanyang konsensya.

 

Wala rin aniya siyang kinalaman sa umano’y balak na pagpapatalsik kay Alvarez bilang House Speaker dahil katunayan, suportado niya ito.

 

Gayunpaman, handa umano niyang harapin ang nasabing reklamo.

 

Naniniwala din ang kongresista na away-magkapatid lang ang kasalukuyang sitwasyon nila ni Alvarez.


Facebook Comments