Manila, Philippines – Naghain na ng pyansa si Davao del Norte 2nd District Rep. Antonio Floirendo Jr.
Ito ay bago pa man maipatupad ang arrest order ng Sandiganbayan sa kasong graft.
Personal na nagtungo si Floirendo sa sala ni Davao Regional Trial Court Judge Emmanuel Carpio kahapon para ibigay ang P30,000 bilang bail money.
Ayon kay Floirendo, may personal at may pang negosyong interes si House Speaker Pantaleon Alvarez kaya gusto niyang makuha ang lupang inuupahan ng Tagum Development Corporation (TADECO) banana plantation.
Una nang inakusahan ng korapsyon ni Alvarez si Floirendo nang lagdaan ng TADECO ang amended agreement sa Bureau of Correction noong 2003 para gamitin ang lupaing sakop ng davao penal colony para sa plantation ng saging kung saan mayroon umano siyang 75,000 shares.
Samantala iginiit naman ni Alvarez, walang halong pulitika at bahagi ng due process ang pagpapaaresto kay Floirendo.
Pagkakataon na rin aniya ni Floirendo na sagutin ang mga bintang laban sa kaniya.