Niyanig ng lindol ang ilang bahagi ng bansa nitong Miyerkules ng gabi.
Isang 4.8 magnitude na lindol ang naramdaman sa gitna at timog-silangang bahagi ng Mindanao.
Sa datos ng PHIVOLCS, nangyari ang pagyanig alas-9:03 ng gabi at natunton ang episentro nito sa 8 kilometers timog-silangan ng Magsaysay, Davao del Sur.
May lalim itong 17 kilometro.
Naitala ang Intensity III sa Koronadal City at Tampakan, South Cotabato habang Intensity II sa General Santos City at Intensity I sa Kiamba, Sarangani.
Samantala, isang 3.8 magnitude na lindol ang tumama sa Ilocos Norte alas-5:55 ng hapon.
Ang episentro nito ay 7 kilometro hilagang kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte at may lalim na 34 na kilometro.
Tectonic ang pinagmulan nito at naramdaman ang Intensity I sa Pasuquin, Ilocos Norte.